No. 7 jersey ni Jawo ire-retiro na

Manila, Philippines -  Kung may nakikita mang PBA player si dating Sen. Robert Jaworski, Sr. na kumakatawan sa pamosong ‘ne­ver-say-die’ spirit ng Barangay Ginebra, ito ay ang mismong si Gin Kings’ guard Mark Caguioa.

Sinabi kahapon ni Jaworski na ang 2001 PBA Rookie of the Year ang nagpapatuloy ng tradisyon ng Ginebra. 

“He carries the never-say-die attitude,” wika ni Ja­wors­­ki kay Caguioa. “Magaling siya. He plays all-out eve­ry game as if he never cares kung ma-injure man siya. He embodies the same old spirit of the team.”

Bagamat isang 6-foot-1 player at palagiang nababangga sa loob ng basketball court, patuloy pa ring nag­susumikap si Caguiao para bigyan ng magandang laro ang Gin Kings sa bawat conference.

Hindi nakapaglaro si Caguioa sa Ginebra team ni Ja­worski dahil nagretiro ang dating Red Warrior ng Uni­versity of the East noong 1998 para kumandidato sa Senado.

Ngunit tumayo namang mentor nina Caguioa at Jay­jay Helterbrand sa kanilang unang taon sa Ginebra ang dating pointguard ni Jaworski na si Bal David.

Nagtakda ang PBA ng isang jersey retirement cere­mony para sa No. 7 jersey ng 66-anyos na si Jaworski. miyembro ng PBA 25 Greatest Players of All Time, sa Hulyo 8 sa Smart-Araneta Coliseum.

“Nakakahiya naman kung wala kami doon, ‘di ba?” wika ni Caguioa sa pagdalo niya at ng buong Gin Kings sa naturang okasyon para sa pagpaparangal sa six-time PBA First Mythical Team member at two-time Second Mythical team member.

Inaasahan rin ni Jaworski, isang two-time PBA De­fen­sive Player of the Year at four-time PBA All-Star, na ma­kakasama niya ang mga Gin Kings.

Show comments