Maigting na paghahanda

MANILA, Philippines - Kumpara sa mga nakaraan niyang laban, mas ma­igting ang ginagawang pagsasanay ngayon ni world su­per bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. para sa kanilang unification fight ni Jeffrey Ma­thebula ng South Africa sa susunod na buwan.

“This is going to be the first fight that I really, truly worked hard,” wika ni Donaire. “Usually I’d go two or three ti­mes a week, this time I’m there everyday.”

Idedepensa ni Donaire, may 28-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs, ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) super bantamweight crown, habang itataya naman ni Mathebula (26-3-2, 14 KOs) ang kanyang bitbit na International Boxing Fede­ration (IBF) belt sa Hulyo 7 sa Home Depot Center sa Car­son, California.

Sakaling manalo ang 29-anyos na si Donaire sa 32-anyos na si Mathebula ay plano niyang umakyat ng weight division sa kanyang susunod na laban.

Kaya naman determinado siyang talunin ang 5-foot-10 na dating Olympic Games campaigner. 

“I’m taking this fight serious and see how I feel and ho­pefully I carry it on for the remainder of my career,” ani Donaire.

Para sa kanilang unification fight ni Mathebula, pu­mayag si Donaire na sumailalim sa year-round, random drug testing ng Voluntary Anti-Doping As­sociation (VADA).

"I've always been this way. So to me, this is not a dis­traction. This is me asking people to participate in the way that I best know how to ask," wika ni Donaire sa kanyang pag­sailalim sa drug test. "As I have said, all along, I have ne­ver tried to hide anything."  

Show comments