^

PSN Palaro

RoS itataya ang malinis na kartada

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines – Isusugal ng Elasto Pain­ters ang kanilang malinis na rekord, habang puntirya naman ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Magtatagpo ang na­ngungunang Rain or Shine at Barangay Ginebra nga­yong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng B-Meg at Meralco sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2012 PBA Governor’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Sinikwat ng Elasto Pain­ters ang kanilang pangatlong dikit na panalo matapos talunin ang Air21 Express, 106-92, noong Mayo 30, habang nanggaling naman ang Gin Kings sa mala­king 100-73 paglampaso sa Bolts noong Hunyo 3 sa Cebu City.

Bitbit ng Rain or Shine ang 3-0 kartada kasunod ang Ginebra (2-1), nagdedepensang Petron Blaze (2-1), Powerade (2-1), B-Meg (2-1), Barako Bull (1-1), Alaska (1-2), Talk ‘N Text (1-3) at Meralco (1-3).

Humakot si import Ja­melle Cornley ng 21 points at 14 rebounds para sa pa­ngatlong sunod na panalo ng Rain or Shine.

“Our next game will be against Rain or Shine. They’re leading right now,” wika naman ni Gin Kings’ mentor Siot Tanquingcen. “We’ll see what we can do.”

Sa unang laro, hangad naman ng Llamados, nagkampeon sa nakaraang 2012 PBA Commissioner’s Cup, na masolo ang ikalawang posisyon sa pakiki­pagkita sa Bolts, natalo sa kanilang huling dalawang laro.

vuukle comment

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CEBU CITY

ELASTO PAIN

GIN KINGS

MERALCO

N TEXT

PETRON BLAZE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with