NAMSSA motocross kasama uli sa 2nd POC-PSC Philippine National Games

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay masasama uli ang motorcycle sports sa 2nd POC-PSC Philippine National Games.

Tinatayang aabot sa 180 riders ang sasali sa tor­neong patatakbuhin ng NAMSSA at gagawin sa Mayo 20 sa Parking Lot A ng SM Sucat Supermall sa Paraña­que City.

Tatawagin ang kompetisyon bilang 2012 POC-PSC-PNG Road Race Championship at may 11 kategoryang paglalabanan gamit ang mga motor, galing ng rider at edad ng rider.

Isasabay ang PNG sa 3rd round ng 2012 Repsol Road Racing Championship na siyang flagship event ng National Road Race Development Program ng NAMSSA.

Ang mga mangungunang riders sa palaro ay maa­aring makasali sa Asia Cup Road Racing na nasa ilalim ng FIM-Asia.

Ang PNG ay magbibigay din ng pagkakataon sa mga baguhan na nasa national training pool na maipakita ang angking galing upang makilatis kung puwede na silang sumali sa malalaking torneo sa labas ng bansa.

Sa mga nagnanais na sumali sa torneong ito ay ma­aring makakuha ng karagdagang detalye sa www.psc.gov.ph, www.olympic.ph and www.namssa-live.com.

Show comments