Knicks delikado na sa Heat

NEW YORK--Sa bawat pagkakamali ni LeBron James ay tinutumbasan ito ng pang-aasar ng mga fans ng New York Knicks.

Napilitang iupo sa kabuuan ng third quarter, hindi nagalit si James at hindi rin nag-aalala ang Miami Heat.

Umiskor si James ng 32 points, kasama ang walong sunod na puntos sa pagsisimula ng fourth quarter, para igiya ang Heat sa 87-70 paggupo sa Knicks at kunin ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang first-round playoff series.

Ipinalasap din ng Heat sa Knicks ang NBA postseason-record na pang 13 sunod na kabiguan nito.

Humugot si James ng 17 points sa final period para sa Heat, tatangkaing walisin ang Knicks sa Game 4 sa Linggo.

Nagdagdag naman si Wade ng 20 points para sa Heat kasunod ang 19 ni Mario Chalmers.

Sa Dallas, inangkin ng Oklahoma City Thunder ang matayog na 3-0 lamang laban sa nagdedepensang Dallas Mavericks matapos iposte ang 95-79 tagumpay sa Game 3.

Nagtala si Kevin Durant ng 31 points at 6 assists para sa Thunder, habang may 17 markers naman si Dirk Nowitzki para sa panig ng Mavericks.

Show comments