NCAA itatapat ng TV5 sa UAAP

MANILA, Philippines - Handang isabay ng TV5, sa pamamagitan ng AKTV, ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) kung ang television coverage ang pag-uusapan.

“We have ordered all the necessary equipment like the HD (high-definition) cameras, HD OB vans. We have all the peo­ple who will help us,” wika kahapon ni TV5 Executive Vice President at COO Roberto Barreiro kahapon sa idinaos na contract signing sa pagitan ng istasyon at ng NCAA sa Letran TV Studio sa Intra­muros.

Isang three-year deal ang pinirmahan ng TV5 at ng NCAA, magbubukas ng kanilang pang 87th season sa Hunyo 23 sa Mall of Asia sa Pasay City.

“NCAA is definitely a major boost to our effort to engage all audience segments in our sports platforms -- AKTV and Hyper,” ani TV5 President at CEO Atty. Ray C. Espinosa. “Given NCAA’s track record over the last 87 seasons, they are a welcome addition to our growing line-up of sports affiliates.”

Handa din ang NCAA na tapatan ang mga laro ng UAAP tuwing Sabado at Linggo, ayon kay NCAA President at Policy Board chairman Fr. Tamerlane Lana, O.P. ng host Letran College.

Bukod sa basketball, bibigyan din ng TV5 ng lingguhang pangyayari ang mga laro sa volleyball, swimming, taekwondo, athletics, chess, table tennis, lawn tennis, beach volleyball at cheerleading competition.

Show comments