Bata, Django babandera sa Phl sa Int'l 10-Ball Cup

MANILA, Philippines - Pamumunuan nina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ang laban ng Pilipinas sa idaraos na Mayor Antonio Calixto International 10-Ball Cup mula Abril 26-29 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

May kabuuang $60,000 ang premyong paglalabanan sa torneong lalahukan din ng mga dayuhang manunumbok at ang mana­nalo ay magbibitbit ng $30,000.

Ang mga tatapos ng hanggang ika-24th puwes­to ay tatanggap din ng pa­buya na iaabot agad mat­apos ang finals match.

Sina Darren Appleton ng Great Britain, Thorsten Hohmann ng Germany, Shane Van Boening ng US at John Mora ng Canada ang ilan sa mga tinitingalang manlalaro sa pool mula sa ibang bansa na inimbitahan para sumali sa torneo.

Bukod kina Reyes at Bustamante, naririyan din sina Alex Pagulayan, Dennis Orcollo, Ronato Alcano, Lee Van Corteza, Carlo Biado, Roberto Gomez, Ramil Gallego, Marlon Manalo, Antonio Lining, Rodolfo Luat, Warren Kiamco, Allan Cuartero, Jundel Mazon, Arman Cagol, Ramon Mistica at Renemar David.

Show comments