UST nakalusot sa JRU sa MBL

MANILA, Philippines - Wala pa ring talo ang University of Santo Tomas-Iron­con Builders.

Nagtulong sina Karim Abdul at Jeric Teng upang pa­taubin ng UST-Ironcon ang mahigpit na katunggaling Jose Rizal University, 89-85, at mapanatili ang malinis na kartada sa pagpapatuloy ng MBL Invitational basketball championship sa Aquinas gym sa San Juan.

Si Abdul ay nagtala ng double-double sa kanyang 17 puntos at 13 rebounds habang si Teng ay nag-ambag ng 14 puntos upang pangunahan ang UST-Ironcon sa isang kapana-panabik na panalo sa pinakahihintay na sagupaan ng dalawa sa top teams ng UAAP at NCAA.    

Sa pamamahala ni mul­ti-titled coach Pido Jaren­cio at manager Jimi Lim ng Ironcon Builders, ang Tigers ay nakasungkit ng kanilang ika-pitong dikit na panalo sa 10-team tournament na sinusuportahan ng Smart Sports, Cebua­na Lhuillier, Dickies Underwear, PRC Couriers at Pa­rola Maritime.

Sa kasalukuyan, nanalo na ang Tigers sa tatlo sa kanilang apat na laro laban sa mga NCAA teams.

Show comments