Cebuana kontra sa Boracay ngayon

MANILA, Philippines - Ikaapat na sunod na pa­nalo na magpapatibay sa paghahabol sa outright berth sa semifinals ang nakataya sa Cebuana Lhuillier sa pagbangga sa B­oracay Rhum sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa San Juan gym.

Mas lumalim ang Gems na haharapin ang Waves sa tampok na laro sa alas-4 dahil sa pagsalang ng mga 6-foot-7 centers na sina Raymond Almazan at Yousef Taha.

Balik Cebuana Lhuillier si Almazan matapos lu­miban sa huling tatlong laro dahil kinailangan siya ng Letran sa PCCL, habang si Taha ng Mapua ay binigyan na ng sertipikasyon mula sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) para maisuot sa unang pagka­ka­­taon ang uniporme ng Gems.

Ito naman ang hu­ling la­ro ng Waves sa eli­mi­nasyon at nais nilang sung­kitin ang ikapitong pa­nalo sa 10 laro na hindi la­mang magpapatatag sa pu­westo sa quarterfinals kun­di magiging palaban pa sa insentibong ibibigay sa ma­ngungunang dalawang ko­ponan.

Show comments