^

PSN Palaro

Lioness manlalapa; Lady Stags reresbak sa NCAA volleyfest

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sakyan ang momentum na nakuha sa huling laro ang balak gawin ng San Beda sa pagpapatuloy ng 87th NCAA women’s volleyball ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sariwa sa 25-15, 25-19, 25-20 panalo laban sa 6-time defending champion San na Sebastian College noong Miyerkules na ginawa sa San Beda gym, sisikaping lapain ng Lioness ang Jose Rizal University sa ala-una ng hapong tagisan.

Ang Lady Stags na na­walan ng mga key players ay babawi sa di magandang panimula sa pagharap sa Arellano sa alas-9 ng umagang bakbakan.            

Sina Cherry Quizon, Ces Molina, Janine Marcia­no, Coline Malana at Debbie Dultra ang mga magtutulung-tulong sa San Beda na kung manalo pa ay sasalo sa host University of Perpe­tual Help sa 2-0 baraha.

Masama man ang si­mula ay may kumpiyansa pa si Lady Stags coach Roger Gorayeb hinggil sa planong pagpapalawig ng dominasyon sa women’s volleyball.

“Mahaba pa ang liga at challenge ko sa mga players na bumawi kami matapos ang di magandang laro sa first game,” wika ni Gorayeb.

Kailangang magtrabaho ang kanyang mga bataan dahil ang Lady Chiefs ay nagbabalak din na makasalo sa liderato matapos manaig sa Mapua sa unang asignatura.

Unang laro ay sa pagitan ng San Sebastian at Arellano sa juniors sa ganap na alas-8 ng umaga habang ang Stags at Chiefs ay magkikita sa seniors dakong alas-10 ng umaga.

Ang Heavy Bombers at Lions ay magtutuos din sa isa pang seniors game sa alas-2 ng hapon.

vuukle comment

ANG HEAVY BOMBERS

ANG LADY STAGS

ARELLANO

CES MOLINA

COLINE MALANA

DEBBIE DULTRA

JANINE MARCIA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with