^

PSN Palaro

Go Philippines!

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Kung tatanungin ang mga opisyal ng Philippines sports kung magiging maganda ba ang kampanya ng bansa sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia kumpara sa mga nakaraang edisyon, siguradong matunog na “oo” ang makukuha nating sagot.

Bakit?

Isa sa malaking dahilan ay ang tinatawag na “unified” Philippine team.

Noong 2009, ang Philippine Olympic Committee, na noon ay pinamumunuan ni Jose “Peping” Cojuangco, at ang Philippine Sports Commission, na pinangungunahan naman ni Harry Angping, ay hindi magkasundo. 

Magkaiba ang kanilang pananaw sa preparasyon ng bansa para sa 2009 SEA Games sa Laos. Tumapos ang Pilipinas sa ikalimang puwesto sa nakuhang 38 gold medals.

Pero ngayon, ipinagyayabang ng POC at PSC na nagkakaisa sila para sa kapakanan ng Philippine sports.

Pero kung ito man ay mangangahulugan ng mas ma­gandang performance ng ating mga atleta sa 2011 SEA Ga­mes sa Indonesia ay kailangan pang abangan sa mga susunod na araw.

Isa lamang ang sigurdao natin, magandang batayan ang taong ito lalo na’t sinasabi nga ng dalawang sports organization na united sila para sa mga atleta.

***

Isa pang dapat na abangan ng ating mga sports affisionados ay ang pagbabalik sa sports ni Grand Master Wesley So makaraan ang anim na buwan na pa­mamahinga sa kompe­tisyon. Babandera si So pa­ra sa Philippine chess team.

Malaki ang pag-asa ni So, tanging Filipino chess player na nasa FI­DE rankings, na ma­kapag-uwi ng gold medal ka­sama sina GMs Joey Antonio, Oliver Barbosa, Mark Paragua, John Paul Go­mez at Darwin Laylo.

Sa akin lang ha, ma­laki ang pag-asa ng ban­sa sa gold medal. Sa hanay ng mga bansa sa Southeast Asia na kalahok sa SEA Games, ang PI­lipinas ang may pinaka­ma­taas na FIDE ratings sa 33rd na puwesto.

Takot lang nila.

***

Umalis na po ang inyong lingkod kahapon pa­punta sa Indonesia.

Patuloy sana nating ipag­dasal at ipagbunyi ang ating mga Pambansang atleta habang luma­laban sa 2011 SEA Games.

vuukle comment

DARWIN LAYLO

GRAND MASTER WESLEY SO

HARRY ANGPING

ISA

JOEY ANTONIO

JOHN PAUL GO

MARK PARAGUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with