Pormahan muna

LAS VEGAS - Sa pag­si­simula ng kanilang World Press Tour sa Pilipinas, nag­suot si Juan Manuel Mar­quez ng t-shirt na may na­kasulat na "We Were Robbed" patungkol sa sina­sa­bi niyang dalawang pa­na­lo kay Manny Pacquiao.

Para kay Pacquiao, isa itong malaking insulto sa kan­ya.

"This fight is really im­por­tant to me because there's that issue, the claims that he won the last two fights, and that's why I'm very motivated with my training," ani Pacquiao ka­hapon sa kanilang huling press conference bago ang banggaan nila sa Linggo dito sa MGM Grand Arena.

Sinabi ni Pacquiao na hin­di na siya ang boksingerong nakalaban ni Marquez no­ong 2004 at 2008.

"I'm more improved right now, compared to three years ago, four years ago," sabi ni Pacquiao, nag­babandera ng 53-3-2 win-loss-draw ring record ka­­sama ang 38 knockouts.

Mas malawak na uma­­no ang kanyang eks­per­yensa matapos ang ka­ni­lang dalawang upakan ni Mar­quez.

"I'm more experienced, es­pecially in my strategy and techniques. I'm more im­proved in throwing my right hand, my movement side to side, and my timing," wi­ka ng Filipino world eight-di­vision champion.

Itataya ng 32-anyos na si Pacquiao ang kanyang su­ot na World Boxing Or­ga­nization welterweight crown laban sa 38-anyos na si Marquez, may bitbit na 53-5-1 (39 KOs) slate.

Aminado si Marquez na malaki na ang ipinagbago ni ‘Pacman’.

"Obviously he's chan­ged over the years," wik­a ng Mexican, may tatlong ti­tulo sa tatlong mag­ka­kai­bang weight classes.

Show comments