Palembang Organizers problemado pa rin

MANILA, Philippines - Palembang—Dala­wang araw bago ang por­mal na pag­bubukas ng 26th South­east Asian Ga­mes, ali­gaga pa rin ang mga or­ga­nizers hinggil sa kanilang prob­­lema­ sa ac­commodations ng mga de­legasyon.

Tatlong luxury ships ang ipi­nangakong ipapahiram ni businessman Tommy Wi­­nata, ang local version ni Ambassador Eduardo ‘Dan­ding’ Cojuangco, para ma­tuluyan ng halos 1,200 in­­dibidwal.

Ang pagdating naman ng mga royalties at VIPs (ve­ry important persons) mu­­la sa 10 pang member na­­tions ang nagpapasa­kit ng ulo ng siyudad na ma­ma­hala sa 19 sports events ng 2011 SEA Games.

Personal na nasaksihan ni Philippine Deputy Chief of Mission Romeo Ma­­gat ng lawn tennis ang pag­­kalito ng mga local or­ga­nizers.

Ang siyudad ay mayro­on lamang tatlong five-star ho­tels at apat na four-star hotels.

“It’s like walking a tight ro­pe,” wika ni Magat duma­ting sa Jakarta noong Bi­yer­­nes ng hapon.

Sinabi naman ni Magat na ang mga bagong gawang venues at athletes’ vil­lage sa loob ng 320-hecta­re property sa Jakabaring dis­­­trict ay handang-handa na.

Ngunit malalagay lamang sa alanganin kung big­­­­lang uulan.

Bagamat mara­ming bi­lang ng mga volunteers pa­ra sa 2011 SEA Ga­mes, hin­di naman mas­ya­­­dong makapagsalita at makaintindi ng wikang Ingles ang mga ito.

Bahasa ang lenggu­wa­he sa Indonesia.

Show comments