MANILA, Philippines - Humakot si balik-import Jason Forte ng conference-high 36 points at 16 rebounds.
Sapat na ito upang matulungan niya ang Alaska sa 88-81 paggupo sa Petron Blaze sa semifinal round ng 2011 PBA Govefnors Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“I just try to play hard as I can every game,” sabi ni Forte, nagbigay sa Aces ng 83-78 abante kontra Boosters, nasa kanilang two-game losing skid, sa huling 1:56 ng final canto.
May 6-4 baraha ngayon ang Alaska sa ilalim ng Talk 'N Text (7-2), Barangay Ginebra (5-3), B-Meg (5-4), Petron Blaze (5-5) at Rain or Shine (4-5).
Kasalukuyan pang naglalaro ang Gin Kings at ang Llamados habang isinusulat ito.
“We came from a tough loss against Talk ‘N Text,” ani coach Tim Cone sa kanilang 85-103 pagyukod sa Tropang Texters noong Hulyo 22 kung saan siya namultahan ng P20,000 dahil sa pagkompronta sa mga referees. “We were listless in the first half we had a lot of emotion goin on there in the second half.”
Kinuha ng Boosters ang 65-59 bentahe sa natitirang 59.1 segundo sa third period hanggang maagaw ng Aces ang unahan sa 71-70 galing sa jumper ni 6-foot-8 Samigue Eman sa 8:04 ng fourth quarter.
Nakatabla sa 74-74 ang Petron Blaze buhat sa basket ni import Anthony Grundy bago ang pagtutuwang nina Forte, Jay-R Reyes, Brandon Cablay at Tony Dela Cruz upang muling ilayo ang Alaska sa 83-78 sa 1:56 nito.
Ang three-point shot ni Alex Cabagnot ang nagdikit sa Boosters sa 81-83 sa huling 1:09 kasunod ang limang freethrows nina Forte, Sonny Thoss at LA Tenorio para sa panalo ng Aces.
Inamin rin ni Cone na napagod sina Tenorio at Thoss sa laro ng PBA selection laban sa NBA stars noong Sabado.
“We were a tired team today. LA and Sonny were tired last night,” ani Cone sa naturang laro ng PBA squad at NBA team. “It’s such an emotional high to play that game.”
Alaska 88 - Forte 36, Custodio 11, Dela Cruz 10, Cablay 9, Gonzales 7, Thoss 6, Tenorio 4, Reyes 3, Eman 2, Borboran 0.
Petron 81 - Grundy 22, Al-Hussaini 16, Cabagnot 10, Salvacion 7, Duncil 6, Santos 6, Pennisi 5, Miranda 5, Ildefonso 2, Yeo 2.
Quarterscores: 17-21, 37-44, 60-65, 88-81.