Tigers inilaglag ang Scorpions

MANILA, Philippines - Binawian ng Junior Po­werade ang Café France, 77-65, upang makuha ang karapatang umabante sa susunod na yugto sa PBA D-League Foundation Cup sa San Juan City.

Si Alvin Padilla ay gu­­mawa ng 14, walong puntos sa huling yugto upang mabalewala ang pagbangon na ginawa ng Scorpions.

Nangailangan ng playoff ang Tigers at Scorpions dahil parehong tinapos nila ng classification round taglay ang 1-5 baraha.

Si Ron Mabayo ay mayro­ong 19 puntos upang pa­ngunahan ang natalong koponan na mamamaalam na sa 13 koponang liga.

Naghatid ng 21 puntos si Allein Maliksi habang isang krusyal free throw ang ibinigay ni Kevin Alas upang kunin ng Cebuana Lhuillier ang 73-70 panalo sa Cobra Energy Drink sa unang laro.

Nalaglag ang Cobra sa pagsalo sa ikalawang puwesto sa Max Bond Super Glue sa 4-2 baraha at dahil natalo ang Ironmen sa Sumos, 75-77, kaya’t ang Max Bond ang makakasama ng Cebuana Lhuillier sa quarterfinals sa grupo.

Show comments