MANILA, Philippines - Isang kabiguang madaling tanggapin.
Ito ang pakiramdam ni Jeson Patrombon nang mabigo sa unang laro sa pro circuit nang lasapin ang 1-6, 0-6, kabiguan sa kamay ni Yuki Bambri sa pagbubukas kahapon ng $10,000 India F3 Futures sa Chandigarh, India.
Ang 17-anyos mula Iligan City at pambato ng bansa sa juniors ay nasali sa kompetisyon bilang isang wild card pero ang binangga sa unang laro ay ang second seed na si Bambri.
Aminado si Patrombon na nanibago siya sa laro dahil ibang lebel ang professional sa juniors at kinabahan sa kabuuan ng labanan.
“This is very normal for a rookie and this is the reason why I want to expose Jeson early in the men’s game for him to adapt to this new level,” wika ni coach Manny Tecson.
Hindi naman mamadaliin si Patrombon para maabot agad ang lebel ng mga pros dahil bibigyan siya ng pagkakataon na makasanayan ang ganitong laro tulad noong nagsisimula siya na kumakampanya sa juniors.
“We are back to square one but I do believe it will not take long for him to rise in the men’s game with continued coaching, training and exposure,” dagdag pa ni Tecson.
Tutulak naman sina Patrombon at Tecson patungong Noida upang sumali naman sa qualifying tournament para sa F4 Futures na sisimulan mula Abril 18 hanggang 24.