Gerapusco nagpasiklab agad sa Smart/Head tennis circuit

KORONADAL City--Agad nagpasiklab ang top seed na si Kurt Gerapusco nang manguna sa early winners sa unang leg ng 13th Smart Head Junior Tennis Satellite Circuit ni­tong Linggo sa South Co­ta­bato Sports Complex ten­nis courts.

Bago humataw ang mga kalahok, nagbigay muna ng makabuluhang mensahe si Koronadal City Mayor Peter B. Miguel sa opening ceremony ng 13-leg event na inaayudahan ng Chris Sports, Meralco, Maynilad, Head, ang official Ball, Toalson at sanctioned ng PHILTA.     

Pinulbos ni Gerapusco si Keiser Mlok, 10-4, para umusad sa quarterfinals ng 18-under (boys) katapat si James Sumaylo, 10-3 winner kay Henry Munoz, samantalang si Karl Laurenz Magno ay pinagpraktisan lang si Jess Bagonoc, 10-1, para makasagupa naman si Eric Cariga sa quarterfinal.

Hindi man lang sinikatan ng araw kay fourth seed Cariga si Carlo Nono sa second round, 10-0, ha­bang ang third seed na si Elvie Lopez ay pinadapa si Shun Santos, 10-2, para kalabanin sa susunod na ikutan si Hakeem Cariga, angat kay Jay Yap, 10-1, sa quarters.

Naungusan ni Gar Ca­midon si Justin Regino, 10-8, upang makipagduwelo kay second seed Ro­gelio Estanio Jr., na bi­nomba si Ian Maribao, 10-2, sa quarterfinals.

Sa distaff side, sa 18-un­der class, isinaayos nina No. 1 Nikki Arandia at second seed Jzash Canja ang kanilang titular showdown matapos manaig kina Lenelyn Milo, 10-5, at Mice Tagki, 10-1, ayon sa pagkakasunod.

Show comments