Lady Altas sinikwat ang soft tennis crown

MANILA, Philippines - Makaraang makopo ng senior’s at junior’s volley team ang NCAA crown, nasungkit din ng Las Piñas City-based soft netters ang kampeonato sa 86th National Collegiate Athletics Association (NCAA) soft tennis championship kamakailan sa Rizal Memorial Tennis court sa Vito Cruz, Manila. 

Ginapi ng tandem nina Joana Carnay at Kyrie Ma­cias ang duo ng San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Lady Stags sa finals (5-1) dahilan upang maipanalo ang women’s double event, habang tinalo naman ni Lady Altas Erdilyn Peralta ang co-altalletes na si Noreen Subol sa single’s finals match upang makuha ang single’s championship medal.

Naghati naman sa tan­song medalya sina La­dy Lions Jam Lentejas at EAC Lady Chiefs Pia Ta­mayo pagkatapos ni­lang mabigo kina Carnay at Subol sa semis match.  

Ang soft tennis event ay isang demo-sports ng NCAA na nasa ikatlong taon na simula ng ito ay ipa­kilala sa NCAA Management Committee noong taong 2009 ng Philippine Soft Tennis Association sa pamumuno ni Dr/Col Antonio Tamayo, President Emeritus, PSTA.

Show comments