^

PSN Palaro

Lyceum puntirya ang 4th win vs EJM Pawnshop: Star Group, Royale BC maglalaglagan sa krusyal na panalo

-

MANILA, Philippines - Haharapin ng newly-crowned Inter-Scholastics Athletic Association (ISAA) champion Lyceum of the Philippines ang EJM Pawn­shop, habang pag-aagawan naman ng Star Group of Publications at Royale Business Club ang krusyal na panalo ngayong gabi ng 2010 MBL Invitational basketball championship sa Lyceum gym sa Intramu­ros, Manila.

Tangka ng Lyceum, ka­salukuyang katabla sa ikatlo hanggang ikaapat na puwesto ang CUSA titlist Manuel Luis Quezon University sa 3-1 win-loss-slate, ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipagtipan sa EJM Pawnshop sa main game, alas-8:30 ng gabi.

Sa kabilang dako, babasagin naman ng Star Group at Royale BC ang ka­nilang tanikala sa pagtabla sa 3-2 kartada sa alas-7 ng gabing sagupaan sa nine-team tournament na ito na hatid ng Smart Communications, Dickies Underwear at PRC Managerial Services.

Muling babanderahan nina Dennis Rodriguez, Jong Bondoc, Ver Roque, Gio Coquilla, Lester Reyes, at Cris Corbin ang Newspapermen na ginagabayannina coach Rene Recto at manager Mike Maneze.

Bukod sa mga nabanggit, inaasahang kakamada rin sa opensa sina Wyanne Tabang at Bong Martinez, Gerald Ortega upang ta­patan ang inaasahang ma­tin­ding labang ibi­bigay ng Royale BC na aasang muli kina Leemore Boliver, Toto Bandaying, Floyd Dedicatoria at Jaymo Equillos.

Bagamat batid ni Recto na pader ang kanilang ba­­banggain, hindi ito nababahala at siguradong ma­sasabayan niya ang game plan ng kalaban sa pagpapaikot ng depensa.

vuukle comment

BONG MARTINEZ

CRIS CORBIN

DENNIS RODRIGUEZ

DICKIES UNDERWEAR

FLOYD DEDICATORIA

GERALD ORTEGA

GIO COQUILLA

INTER-SCHOLASTICS ATHLETIC ASSOCIATION

JAYMO EQUILLOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with