3 rookies pumirma na sa Meralco

MANILA, Philippines - Matapos sina Nonoy Baclao, Rabeh Al-Hussaini at Rey Guevarra ng Air21, pumirma naman ng kanilang mga kontrata sina rookies Bam Bam Gamalinda, Ford Arao at Khazim Mirza sa Me­ralco para sa darating na 36th season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Sina Gamalinda, na­ging sandata ng San Be­da College sa pag-angkin sa 2006, 2007 at 2008 NCAA crowns, Arao at Mirza ng pare-parehong one-year, P1.2 million contract sa Bolts.

Ang tatlo ay hinugot ng Meralco, bumili sa prangkisa ng Sta. Lucia, sa second round.

Ang 6-foof-2 na si Gamalinda ay ang 11th overall pick, habang ang 6’6 na si Arao, produkto ng Ateneo De Manila University, at Mirza, naglaro sa University of Sto. Tomas, ay nasikwat bil­ang No. 14th at No. 16 picks, ayon sa pagkakasu­nod. 

  

Show comments