Say Chiz dumiretso sa 2 dikit, Charlie may panalo na

MANILA, Philippines - Umiskor si Ferdie Rubio ng 15 points, habang may 17 naman si Julius Manicad para igiya ang Say Chiz Smileys sa 58-48 panalo kontra Johann Kendrick Tigerscribes sa PGBL Willie Caballes Cup basketball tournament sa Rizal Memorial Basketball Stadium.

Si Rubio, isang coach mula sa Bert Lozada swimming school, ang nagbida sa 16-6 atake ng Say Chiz Smileys sa third quarter patungo sa kanilang 2-0 rekord sa torneong iniaalay sa namayapang si da­ting Manila Bulletin assistant sports editor na si Caballes.

Sa iba pang laro, binigo naman ng Charlie’s Dy-Mons ang San Mateo Spurs, 80-72.

Kapwa may 1-1 baraha ngayon ang Charlie’s Dy-Mons at ang San Mateo Spurs sa torneong suportado ng Philippine Sportswriters Association, San Miguel Corp. at Burlington. May 0-2 marka naman ang Tigerscribes.

Show comments