Arellano sososyo sa Baste, Beda

MANILA, Philippines - Hangad na makasalo sa unahan ang mga bigating Golden Stags at Red Lions, sasagupain ng Chiefs ang Bla­zers ngayong alas-2 ng hapon sa 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magkikita naman sa alas-4 ang Knights at ang Heavy Bombers.

Sa una nilang laro, tinalo ng Chiefs ang Generals, 82-72.

“Ang tanging paraan para makapag-compete kami this season ay kung dedepensa namin,” ani Arellano coach Leo Isaac.

Show comments