Open 5K side event tampok sa Team Woman Run

MANILA, Philippines - Hindi lamang ang pagpapa­kita sa women power ang ita­tampok sa Team Woman Run sa Linggo kundi maging ang mga young at adult male runners sa Open 5k side event sa Venice Piazza Mall sa McKinley Hill.

Idinagdag ng mga nag-oorganisa ng event na itinataguyod ng Woman by Lactacyd, ang 5k race para palakasin pa ang footrace sa hanay ng mga exe­cutives at managers sa corporate world, mga running buffs sa political at showbiz sectors at miyembro ng iba’t ibang grupo sa distaff side.

Samantala, ang pagpaparehistro ay magtatapos ngayong araw kung saan libu-libo na ang nakapagpalista.

Ang pagpapatala ay maa­aring gawin sa Timex North Ed­sa, Timex MOA, Timex Southmall at Runner Bonifacio High Street, ayon sa nag-oorganisang Eventking Corp.

Ang online registration ay maaaring makita sa www.teamwomanrun.com.

Show comments