Losiabol angat sa L Tunes-Cebu run

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Simon Losiabol ang men’s 10-kilometer run sa Looney Tunes Active Fun Run-Cebu, habang pinagreynahan naman ni Mary Grace delos Santos ang women’s side sa SM City Cebu.

Inungusan ni Losiabol si­na Wendel Lopez at Elmer Bar­tolo, samantalang tinalo ni delos Santos sina Mary Joy Tabal at Merlyn Alin sa event na inorganisa ng Warner Bros. Consumer Products (WBCP) sa pamamagitan ng Philippine agent nitong Global Brands Group.

Pinamahalaan naman ni­na Leodan Morales at Milette Chiongbian ang men’s at wo­men’s 5km race, habang sina Roy Villahermosa at Nao Idio ang nagbida sa 3km run.

Samantala, pinamunuan ni­na Chris Comendador at Ju­nes­sa Atillo ang labanan sa 1.5 km race para sa mga batang may edad na 10-12-anyos at na­ngibabaw naman sina Leo Ma­quiling at Natasha Ceniza sa 1km run para sa 8-9-anyos category.

Show comments