Ubos ang Pinoy cue artists
() - April 11, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinigil ni Russian Rus­­tan Chinakhov ang pana­nalasa ni Jeffrey ‘The Bull’ de Luna matapos na pasarguhin ang Pinoy sa iskor na 10-5, sinilat na­man ni Karl Boyes ng Great Britain ang giant-kil­ler na si Venancio ‘Tukao’ Tanio, 10-5 at isa pang Briton--si Darren Appleton ang humiya sa snooker specialist na si Joven Alba, 10-8 nitong Biyernes ng gabi upang kumpletuhin ang pagbokya sa huling pag-asa ng Filipino sa   Etisalat WPA World 8-Ball Pool Championship 2010 sa Fujairah Ten­nis Club sa Fujairah, United Arab Emirates.

Ang pagkakasibak ng tatlo ang siyang tumapos sa kampanya ng Filipinos na magandang pagtatapos sa first World Championship ngayong taon.

Matatandaan na pi­nu­­westuhan nina Hall of Fa­mer Efren “Bata” Re­yes, Marlon “Marvelous” Manalo, Francisco “Django” Bustamante at Alex “The Lion” Pagulayan ang 1, 2, 3 at 4 position na kumumpleto sa dominasyon ng Filipinos sa inagurasyon ng nasabing event noong 2005.

Makalipas ang dalawang taong (2007), sina Ronato ‘Volcano’ Alcano at Dennis “Robocop” Orcullo kumuha naman ng 1-2 po­sition. 

Samantala, all-European ang magaganap na Finals makaraang ma­­talo si reigning World 8-ball champion Souquet 10-9, sa round-of-16, pi­n­a­­yuko naman ni Niels “The Terminator” Feijen ng the Netherlands si Andreas Roshkowski ng Germany,10-6, sa round-of-8 at si Appleton,10-6, sa round-of-4 upang isa­ayos ang kanilang titular showdown kontra kay Bo­yes.

Naunang tinalo ni Bo­yes si Stephan Cohen ng France, 10-6 patu­ngo sa semifinals ng torneong ito na unang idinaos sa mayamang bansa.

ANDREAS ROSHKOWSKI BALL POOL CHAMPIONSHIP DARREN APPLETON FUJAIRAH TEN GREAT BRITAIN HALL OF FA JOVEN ALBA KARL BOYES SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with