Cast ng Final 4, kukumpletuhin ng Ironmen, Spirits

MANILA, Philippines - Pipilitin ng magkapatid na Cobra Energy Drink at Cossack Blue na makumpleto ang Final Four para ma­kaiwas sa anumang kom­plikasyon.

Makakatapat ng Ironmen ang talsik nang Fern-C Ferntastics ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pa­kikipagharap ng Spi­rits sa sibak nang AddMix Transformers sa alas-4 sa 2010 PBL PG Flex Erase Placenta Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig Ci­ty.

Tanging ang Pharex B Complex, napasakamay ang No. 1 seat sa Final Four kasama ang ‘twice-to-beat’ incentive, at Excelroof ang nakatiyak na nang silya sa semifinal round mula sa kanilang 6-1 at 5-2 baraha, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ilalim naman ang Excelroof sa kanilang 5-2 kartada kasunod ang Cobra (4-2), Cossack (4-2), Ascof Lagundi (4-3), AddMix (2-4), Fern-C (1-5) at Ani-FCA (0-7).

Ang panalo ng Ironmen at Spirits ang bubuo sa Final Four kasabay ng pagsipa sa Cough Busters. (Russell Cadayona)

Show comments