^

PSN Palaro

St. Clare runner nalo sa Pocari Sweat Fun Run

-

MANILA, Philippines - Isang papasibol na mana­nakbo mula St. Clare College of Caloocan at isang beterano ang nagpasikat sa idinaos na 1st Pocari Sweat Fun Run ka­hapon sa Bonifacio Global City, Taguig.

Si Janette Lumidao, isang 18 anyos freshman na kumukuha ng kursong BS Hotel and Restaurant Management, ang nagdomina sa kababaihan upang masamahan ang beteranong Armyman na si Alquin Bolivar sa pagkopo ng titulo sa 10k event.

Isang triple gold medalist sa nakaraang athletics competiton sa NAASCU sa larong 800m, 1,500m at 3,000m, walang hirap na pinagharian ni Lumidao ang kanyang dibisyon nang walang makasabay matapos ang maagang pag-arangkada tungo sa solo na pagtawid sa meta.

May bilis na 42 minuto si Lumidao upang hiyain ang mga nakalabang sina Merlyn Lu­magbas at Natasha Davis na tumapos sa malayong panga­lawa at pangatlong puwesto sa 50:49 at 51:45 tiyempo

Si Bolivar naman ay nakipag­gitgitan sa nakalabang si Gerald Sabal at nanalo lamang ng ma­unang mailusot ang katawan sa meta.

Sa tindi nga ng kompetisyon ng dalawang runners na nabanggit ay dalawang segundo lamang ang inilayo ni Bolivar kay Sabal sa 35:47 tiyempo ng una laban sa 35:49 ng huli.

Nasa ikatlong puwesto si Car­lito Fantilaga sa 37:01 oras.

Ang nagkampeon ay nag-uwi ng P5000 habang P3000 at P2000 naman ang nakuha ng puma­ngalawa at pumangatlo sa magkabilang dibisyon.

Nakapagdomina naman si Maricel Maquilan (20:59) at Jujet De Asis (16:22) sa 5-k event upang maibulsa rin ang P5,000 gantimpala sa karerang inorga­nisa ng Evangelista Sports Ma­nagement Inc. na pag-aari ng dating water polo player na si Darren Evangelista.

Sina Michael Bacong at Col­len Callado naman ang na­nguna sa 3K para makuha na­man ang gift certificate na ipinagkaloob ng nagtataguyod na Pocari Sweat na kinatawan ng ASEAN sub-leader ng Otsu­ka Pharmaceutical Ja­pan Yasushi Masai. (AT)

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

DARREN EVANGELISTA

EVANGELISTA SPORTS MA

GERALD SABAL

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

ISANG

JUJET DE ASIS

LUMIDAO

MARICEL MAQUILAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with