^

PSN Palaro

NSAs bibigyan ng POC ng sapat na panahon para makapamili ng atleta

-

MANILA, Philippines - Ang lahat ng National Sports Associations (NSA)s ay bibigyan ng sapat na pagkaka­taon upang mapatunayan ang kakayahan ng kani-kanilang mga atleta para sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Sinabi ni Chef De Mission Joey Romasanta, secretary-general ng karatedo federation, na wala silang sasabihing NSAs na may potensyal na mag-uwi ng gintong medalya mula sa 20­10 Guangzhou Asiad.

“Wala tayong titingnan na isang sports association o dalawa o tatlo para sabihin natin na sila lamang ang ating panlaban,” wika ni Romasanta.

Sa mga nakaraang edisyon ng Asian Games at Southeast Asian Games, ang boxing, taek­wondo, swimming at athle­tics ang palagiang nabibigyan ng importansya ng Philippine Olympic Committee (POC) at ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Lahat sila ay bibigyan natin ng pagkakataon to train their athletes, prepare them as much as they could,” wika ni Romasan­ta sa mga NSAs. “Pagdating ng August titingnan natin kung ano ang nangyari sa kanilang mga atleta at saka doon tayo gagawa ng pagsa­sala o pagpili.”

Nangako naman si PSC chairman Harry Angping na ibi­bigay niya ang kanyang suporta sa bubuo ng national delegation para sa 2010 Guangzhou Asiad. 

Noong 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, nag-uwi ang mga atleta ng kabuuang apat na gold, anim na silver at siyam na bronze medal para tumapos bilang 18th-placer.

Ang apat na gintong medal­ya ay ibinigay nina boxers Joan Tipon at Violito Payla, wu­shu ar­tist Rene Catalan at bil­liards master Antonio “Gaga” Gabica. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ASIAN GAMES

CHEF DE MISSION JOEY ROMASANTA

GUANGZHOU ASIAD

HARRY ANGPING

JOAN TIPON

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RENE CATALAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with