Samboy Lim Player Development Academy magbubukas sa Peb. 14

MANILA, Philippines - Nakatakdang magbukas ang Samboy Lim Player Development Academy sa Pebrero 14 sa Jose Rizal University Gym sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Ang naturang academy ay bukas para sa lahat ng mga bas­ketball aficionados na may pangarap na makapaglaro sa malalaking liga maging ito man ay sa commercial at varsity school.

Mismong ang PBA great na si Samboy Lim ang siyang mangangasiwa sa nasabing programa.

Limitado sa limang estudyante kada isang coach ang basketball academy, ayon kay Lim.

Para sa iba pang detalye maaring tumawag sa Registrar’s office sa 531-7554; 499-9999; 0916-6989-489. 

Show comments