VIENTIANE—Malaking achievement ang nakamit ng Philipione taekwondo team sa kanilang kampanya dito sa 25th Southeast Asian Games.
Nagbunga ang kanilang lahat ng pagsisikap sa pagsasanay nila sa Korea at pagsali sa iba’t ibang international competition.
Sa pagtatapos ng taekwondo event sa Booyong Gymnasium sa National University, humakot ng 4-4-4 gold-silver-bronze medals ang Pinoy jins.
Bumandera sa gold medals ang poomsae women’s trio nina Rani Ann Ortega, Carla Lagman at Camille Alarilla para pasimulan ang kampanya ng jins.
At sa mga sumunod na araw ng kompetisyon hindi nagpahuli ang mga Olympians na sina featherweight Tshomlee Go at welterweight Marie Antoinette Rivero sa kanilang naihandog na gintong medalya bukod pa sa ginto ni heavyweight Alex Briones.
Sa kabuuang ipon na medalya ng Pinoy jins nalagpasan nila ang nakakadismayang performance noong 2007 SEA Games sa Thailand kung saan, isang ginto lamang ang kanilang nasungkit mula sa kagitingan ni Go bukod sa 4 silvers at 7 bronze.
Hindi rin naman matatawaran ang mga mga silvers na handog nina Eunice Alora, Kirstie Alora, Marlon Avenido at John Paul Lizardo bukod pa sa bronze medals nina Jeffrey Figeuroa, Jyla Lizardo, Mixed team poomsae nina Jean Sabido at Ortega at poomsae men’s team, nina Anthony Matias, Brian at Jean Sabido. (Dina Marie Villena)