Silver-bronze sa magkapatid na Lizardo

VIENTIANE, Laos--Malungkot ang huling araw para sa taekwondo jins nang silver at bronze lamang ang naihandog sa huling araw ng kompetisyon ng taekwondo event dito sa 25th Southeast Asian Games.

Tanging silver lamang ang naisubi ni John Paul Lizardo makaraang yumuko sa bigating Thai na si Nakaviroj Jerranat, 8-3 sa kanilang engkuwentro sa finals.

Umusad ang 23-anyos na si Lizardo sa finals makaraang manaig kay Indonesian Jason Filomeno sa quarterfinals at makalaban naman si Jason Tan ng sa semifinals.

Samantala, nakuntento na lamang sa bronze medal si Jyra Lizardo sa flyweight division.

Naging mas masuwerte siya kay Lanetar Quek ng Singapore na umiskor ng 9-1, sa quarterfinal round, nabugbog naman ng husto sa kanyang semifinal match kay Thai Worapong Pongpanit, 21-1 para sa bronze medal.

Sa kabuuan humakot ang Pinoy jins ng 4 golds, 4 silver at 4 bronze sa pagtatapos ng event kahapon sa Booyong Gymnasium sa loob ng National University. Center. (DMVillena)

Show comments