Marquez kumpiyansa vs Mayweather

LAS VEGAS--Sa kabila ng kanyang pagiging underdog sa nalalapit na comeback fight ni Floyd Mayweather Jr., sa Sabado, nagpahayag pa rin si Juan Marquez ng kumpiyansa na siya ang mananalo sa kanilang laban.

“I feel as good and happy as I can,” wika ni Marquez sa harap ng mga mamamahayag at tv camera. “I always put the effort, and now I see the reward. I don't want to be the Mexican No. 1 fighter. I want to be the global No. 1.”

Aakyat si Marquez sa ibabaw ng lona taglay ang ring record na 50-4-1, 37 KOs at ang labang ito ang kanyang pinakahihintay sa kanyang career kung saan nais niyang makabangon at malimutan ang masaklap na pagkatalo sa mga kamay ni Manny Pacquiao na dalawang beses siyang binigo nito.

At sa nasabing laban, dinibdib ni Marquez ang pagkatalo sa Pambansnag kamao na naging tulay upang pansamantalang mawalan ng direksyon ang kanyang boxing career.

Tinanggihan ng Mexican ang $750,00 rematch matapos na mauwi sa draw ang kanilang laban ni Pacquiao noong 2004 sa dahilang isa itong pang-iinsulto sa kanyang boxing career.

At sa halip, bumiyahe si Marquez sa Indonesia para labanan si Chris John na may nakatayang $30,000, kung saan nanalo ang huli via hometown decision.

“He's had some tremendous knockout fights, and he's just beginning,” wika ni Oscar De La Hoya sa 36-anyos na si Marquez.

Show comments