Yang nakalamang kay Orcollo

MANILA, Philippines - Nagpamalas si Yang Ching-shun ng flawless game at sinamantala ang sunud-sunod na pagkakamali ni Dennis Orcollo para kunin ang 25-19 lead sa first half ng kanilang one-on-one match na tinaguriang Face Off Series 2-One More Time noong Martes ng gabi sa bagong bukas na Club Capo Exclusive sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Nagpamalas ang bumibisitang Taiwanese na impresibong pocketing at mahusay na control sa cue-ball nang bumangon ito sa maagang three-rack deficit para kunin ang bentahe sa two-day contest na ito na inorganisa ng Club Capo Exclusive sa tulong ng Bugsy Promotions at JBET.net.

Sa hangaring makaganti sa pagkatalo sa kanilang unang face-off noong 2007, naging mainit si Orcollo nang manalo ito sa lag at umabante sa 10-7 lead.

Ngunit hindi pumabor ang ihip ng hangin kay Orcollo at nagmintis sa seven-eight combination na nagbigay kay Yang ng pagkakataon at momentum na naging pundasyon nito.

Matapos ubusin ang bola sa 18th rack, kinuha din ni Yang ang sumunod na tatlo para makalayo at hindi na lumingon pa.

Show comments