Lady Altas, Lady Stags wagi

MANILA, Philippines - Walang dungis at walang bahid ng kabiguan, kapwa binugbog ng Perpetual Help at San Sebastian ang kani-kanilang mga kalaban sa 85th NCAA volleyball tournament sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Manila.

Pinayuko ng Lady Altas ang Jose Rizal Lady Bombers, 25-3, 25-14, 25-9, para ilista ang ikaapat na sunod na tagumpay at masolo ang liderato.

Hinatak naman ng Lady Stags ang kanilang ikatlong tagumpay sa pamamagitan ng, 25-3, 25-21, 25-10, panalo sa Mapua Lady Cardinals at makalapit ng kalahating hakbang sa Lady Altas.

Naipuwersa naman ng Letran ang three-way logjam sa ikatlong posisyon kasama ang Angeles U Foundation at St. Benilde nang hiyain nila ang EAC, 25-13, 25-13, 25-10.

Nanatiling walang panalo ang Lady Bombers, Lady Cardinals at Lady Generals sa tatlong pa-nimula.

Sa aksiyon naman sa kalalakihan, sa wakas nakapasok na rin sa win column ang defending champion Letran nang igupo nila ang EAC, 25-16, 25-23, 25-21.

Dahil din sa panalong ito, nabura ang masakit ni-lang straight sets na kabiguan sa kamay ng San Beda at St. Benilde para sa 1-2 card katulad ng kanilang biktima. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments