Villar Cup Iloilo Leg sasargo na

ILOILO City, Philippines  – Handa na ang lahat para sa pagbisita ni Senator Manny Villars sa kanyang probinsiya sa Iloilo kasama ang mga top cue artists ng bansa na magla-laban-laban sa ninth edition ng The Manny Cup simula bukas sa Activity Center ng SM City dito.

Ito ang unang pagkaka-taon sa season na ito na dadako ang prestihiyosong island-hopping series sa Visayas matapos magdaos sa Cebu at Bacolod noong 2008, at si Villar mismo ang pumili ng lugar para sa event na hatid ng kanyang Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, president ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines , na co-organizer para sa event, naglaan sila ng anim na slots para sa mga player mula sa Iloilo at kalapit na probinsiya para makasama sa star-studded field sa pangunguna ni Efren “Bata” Reyes.

May qualifying tournament para sa Western Visayas Regional Villards Championship, na gaganapin ngayon sa SM Iloilo.

Show comments