Best Center nanawagan sa lahat ng interesadong koponan

MANILA, Philippines - Tinatawagan ng multi-awarded Basketball Efficiency and Scientific Training Center (Best Center) ang lahat ng school teams na interesadong lumahok sa Small Basketeers Philippines (SBP)-Passerelle tournament sa isang organizational meeting bukas (June 19) sa Quezon City Sports Club.

Ang torneo na nasa ika-24th na taon na ay bukas sa lahat ng teams mula sa pribado at pampublikong paraalan at gaganapin sa Xavier School Sports Complex. Ang lahat ng interesado ay maaaring magpadala ng kanilang kinatawan sa miting na magsisimula ng alas-3 ng hapon. Para sa ilang detalye, tumawag sa 411-6260 at 372-3065 hanggang 66 o mag-email sa bescentersports@gmail.com

Show comments