2nd elims Tour de Cagayan

MANILA, Philippines - Idaraos ng Cycling Organi­zers Asso. of the Phils., Inc. (CO­­AP) at ng Cagayan Export Zone Authority (CEZA) ang ka­nilang 2nd at final na elimina­tion round sa Marso 22 sa UP ellip­tical circle.

Ang nasabing elimination ay preparasyon para sa anim na araw na cycling events sa May 10-16 na hatid ng CEZA na tatawaging Tour de Caga­yan.

Umabot sa 27 siklista ang seeded sa 1st elimination race na ginanap sa Nasugbu, Ba­tangas patungong Alfonso, Ca­­vite nitong Marso 1.

Nakataya ang cash prize para sa limang finishers at ina­asahang aabot sa 70 siklista ang maglalaban-laban sa ma­jor event.

Ang sinumang aspirante na nagnanais na sumali ay mag­parehistro lamang sa No.128 Anonas Ext. Sikatuna Vil­lage, Quezon City hanapin si Mr. Su­sing Pascual sa cel no. 0915­6100667.

Show comments