^

PSN Palaro

Adducul lalaro na

-

Nakasilip ng pag-asa ang Talk N Text sa awto-matikong semifinal slot at nais nilang palakasin ang tsansang makuha ito sa pakikipagharap sa Pure-foods na sasamahan na ngayon ni Rommel Addu-cul sa pagpapatuloy ng KFC-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Alas-6:30 ng gabi ang sagupaan ng Tropang Texters at TJ Giants pag-katapos ng sagupaan ng Coca-Cola at defending champion Sta. Lucia Realty sa alas-4:00 ng hapon.

“We had a modest goal after a struggle at the start of the tourney. All we wanted was to make the Magic Five,” ani coach Chot Reyes ng Talk N Text. “But now that we’re here, I think we can now aim higher.”

Hawak ng Talk N Text ang 9-6 kartada sa likod ng 10-5 record ng Alaska kasunod ang San Miguel Beermen at Rain or Shine Elasto Painters na tabla sa 9-7 kartada.

Kahit wala si Asi Tau-lava na may injury sa da-liri at anim hanggang wa-long linggo pang mawa-wala, nanalo ang Tigers sa San Miguel kamakala-wa na bumuhay ng kani-lang pag-asang makaku-ha ng quarterfinal slot matapos umangat sa 6-10 record.

Hawak naman ng Realtors ang 7-8 record katabla ang Purefoods sa likod ng 8-8 ng Air21 ha-bang nasa huling posis-yon naman ang Red Bull na may 5-11 kartada.

Naglalaban pa ang Ginebra at Alaska sa Cagayan De Oro habang sinusulat ang balitang ito. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ASI TAU

CAGAYAN DE ORO

CHOT REYES

HAWAK

LUCIA REALTY

MAE BALBUENA

MAGIC FIVE

PHILIPPINE CUP

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with