Harbour Centre, Hapee tangka ang 2-0 lead

BAGUIO CITY – Kahit malamig ang klima dito, inaasahang magiging mainit ang defending champion Harbour Centre at Hapee Toothpaste upang masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa kani-kanilang semis serye  sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup para sa kanilang hangaring maitakda ang muling paghaharap sa finals, sa pagdako ng aksiyon sa University of Cordilleras gym.

Sasagupain ng Batang Pier ang San Mig Coffee sa alas-3:00 ng hapon tangka ang 2-0 lead sa kanilang best-of-5 semis series na siya ring pakay ng Complete Protectors laban sa Burger King sa alas-5:00 ng hapong sagupaan.

Nalagay muna sa alanganin ang Batang Pier bago hugutin ang 76-74 panalo sa Coffee Kings sa Game 1 sa  Tarlac State University gym habang naging magaan naman ang panalo ng  Complete Protectors sa BK-Whoppers nang kanilang pakawalan ang pamatay na 17-0 run sa third quarter.

Show comments