Condes magdedepensa vs Garcia

Isang purse bid ang itinakda ng International Boxing Federation (IBF) kaugnay sa mandatory title defense ni Filipino minimumweight champion Florante Condes laban kay Mexican challenger Raul ‘Rayito’ Garcia.

Ang unang pagdedepensa ni Condes kay Garcia ay nakatakda sa Abril 8.

Ayon kay IBF Championship Committee chairman Lindsey Tucker, ang mga promoters ay pinadalhan na ng purse offer simula noong Marso 27 patungo sa opisyal na gagawing purse bidding sa Abril 6.

Ang nasabing mandatory title defense ni Condes laban kay Garcia ay nauna nang itinakda bago ang nalasap na injury ng Filipino IBF minimumweight titlist sa kanyang kanang kamay.

Matapos nito, isang eliminator ang ginawa ng IBF kung saan umiskor si Garcia ng unanimous decision kay Ronald “El Indio” Barrera ng Colombia noong Pebrero 29 sa La Paz, Mexico.

Tangan ni Condes ang 22-3-1 win-loss-draw ring record kasama ang 20 KOs, samantalang dala naman ni Garcia ang 22-0 (15 KOs) slate.

Nakuha ni Condes ang nasabing IBF minimumweight belt matapos tu-mangay ng isang unanimous decision sa kanilang 12-round fight ni Muham-mad Rachman ng Indonesia noong Hulyo 7 sa Jakarta. (RCadayona)

Show comments