^

PSN Palaro

UST volleybeLles dinomina ang Letran

-

Dinomina ng University of Santo Tomas ang Letran  sa kanilang mahusay na all-around game tungo sa 25-13, 25-14, 25-13  panalo upang lumakas ang kontensiyon sa Shakey’s V-League Second Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nagdeliber si Maria Angeli Tabaquero ng 12 points sa attacks at 11 naman kay Venus Berna na nag-ambag din ng 12-point para sa Tigresses,  may tatlo nang paalo sa apat na laro para sa second place.

Nagtala rin  ang guest player na si Suzanne Roces  ng 11-puntos upang ipalasap sa  Letran ang ikaapat na talo kaya kailangan nilang manalo sa huling tatlong laro upang manatiling nasa kontensiyon sa torneong sponsored ng  Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Samantala, ang UST-Letran match ay ipapalabas sa NBN-4 ngayong alas-2:00 ng hapon at para sa updates, maglog-in sa www.v-league.ph.

Nahirapan ang guest player ng Letran na si Marinel Carolino  na naka-isang puntos lamang. Tumapos si Cindy Optana ng walong puntos, pito kay Rossan Fajardo at tig-lima sina Joy Cases at Marie Burce  na nawalan ng silbi sa kabiguan ng Lady Knights.

vuukle comment

CINDY OPTANA

JOY CASES

LADY KNIGHTS

LETRAN

MARIA ANGELI TABAQUERO

MARIE BURCE

MARINEL CAROLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with