Mabigat man ang dibdib, RP-5 nalo sa Syria

TOKUSHIMA, Japan – Dala ang emosyon ng pagkabigo sa isang malaking misyon, kaila-ngang hukayin ng San Miguel-Pilipinas ang kanilang lakas upang malusutan ang hamon ng Syria sa overtime game, 107-100 sa classification round ng FIBA-Asia Men’s Basketball Championships sa Asty Tokushima gym dito.

“I don’t think any of us slept last night. We are not emotionally ready  for this game. We played a lot of injury and we’re just fortunate enough to find strength to finish this game,” pahayag ni RP coach Chot Reyes.

At kahit sibak na sa kontensiyon at naglaho na ang pag-asang makara-ting sa Beijing Olympics sa susunod na taon sa China, nagpamalas ng kahanga-hangang performance si Jimmy Alapag ng kanyang pinakama-gandang performance sa torneong ito sa pagka-mada ng 32-puntos, tampok ang kanyang 93.8 field goal shooting (15-of-16) upang bigyan ng morale ang dismayadong mga Pinoy.(MBalbuena)

SMC-RP 107 – Alapag 32, Caguioa 16, Seigle 15, Taulava 15, Hontiveros 11, Ritualo 6, Raymundo 5, Menk 5, Norwood 2, Williams 0, Pennisi 0, Helterbrand 0.

Syria 100 – Madanly 33, Alsaman 27, Yakoub 16, Alkatib 12, Hasaballah 7, Abdallah 5, Labes 0.

Quarterscores: 18-24; 35-38; 65-65; 77-77; 89-89; 107-100.

Show comments