NSAs dapat maging realistiko sa paghingi ng pondo

Maging realistiko sa kani-lang mga hinihinging financial request mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang hiniling ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Robert Aventajado, pangulo ng Philippine Taek-wondo Association (PTA), sa mga kapwa niya pangulo ng National Sports Associations (NSA)s.

Ayon kay Aventajado, da-pat lamang na maging maka-totohanan ang mga NSAs hinggil sa kanilang financial requests para sa mga gaga-mitin nilang sports equipment.

“Kung sinabi ng PSC na ganito lang ang kaya nila, dapat naman sabihin ng NSA kung gaano talaga karami ang kailangan nilang equipment,” wika ni Aventajado. “Dapat may honesty tayo dito.”

Nauna nang sinabi ni PSC Commissioner Richie Garcia na hanggang P20 milyon lamang ang kanilang maitatabi para sa request ng mga NSA na sports equipment na gaga-mitin ng kanilang mga atleta para sa darating na 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.

Sinabi naman ni POC deputy secretary-general Mark Joseph na mas mabuti nang mahal at matibay na equipment na hilingin ng mga sports associations sa sports commission.

“It’s a little more expensive but in the long run they can be cheaper and economical,” wika ni Joseph, presidente ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA).

Matapos ang pagpapasu-mite ng entries by name ng mga atleta para sa 2007 Thailand SEA Games, ang quartering naman ang aasikasuhin ng POC ngayong linggo, dagdag ni Joseph. ( RCadayona)

 

 

Show comments