May plano si Mikee Romero, may-ari ng Harbour Centre at ‘ninong’ ng RP basketball team na ipadala ang koponan sa dalawang international tournament kabilang na ang Brunei Cup bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa 24th SEA Games sa Dis-yembre.
“If plans push through, we might be sending the team in two tough tournaments before the Thailand SEA Games,” ani Romero. “That way, we can gauge if we have the chance to win the gold medal in the SEA Games.”
Sa kanyang pagnanais na muling maangkin ang supre-midad sa basketball sa rehi-yon, naglaan si Romero ng P10M para sa training at partisipasyon ng koponan sa biennial tournament.
Hiniling ni BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas Patrick Gregorio kay Romero na payagan ang koponan na makasali sa Brunei Cup kung saan lalahok din ang pro league.
“I’m encouraging Mikee to send the team to Brunei next month for two reasons, one they will gain valuable experience there by playing with tough teams invited by the organizers, and two, they will be providing joy to thousand of Filipino migrants,” ani Gregorio.
Gayunpaman, nilinaw ni Romero na ang paglahok ng bansa sa Brunei Cup na depende sa availability ng players.
Problema kasi ang ilang collegiate players na nasa kani-lang listahan at hindi pa nagpa-pakita sa tryout.
Ilan sa kinokonsiderang collegiate cagers ay sina Rico Maierhoffer at Ty Tang ng La Salle, Pong Escobal at Yousif Aljamal ng San Beda, Marcy Arellano, Mark Borboran at Elmer Espiritu ng University of the East, at Jervy Cruz ng University of Santo Tomas.
Bukod sa Brunei Cup, tini-tingnan din nila ang posibilidad na makasali sa isang torneo sa Hong Kong.
Tanging si Chico Lanete, back-to-back Finals MVP ng three-peat Harbour Centre ang seryosong dumadalo sa tryout na nagsimula noong Miyerku-les. Hindi nagpakita si Jason Castro kahapon pero nanga-kong sasama sa tryout bukas.
Ilan sa mga dumalo sa sesyon kahapon ay sina Beau Belga, Ato Morano, Christian Coronel, Khiel Misa, Ryan Araña at Francis Mercado.