^

PSN Palaro

NCAA-PBL player, muntik manapak ng bading sa Embassy!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
 Isang guwapo at magaling na NCAA player na naglalaro din sa isang PBL team ang muntik nang manapak ng isang malditang bading sa Embassy sa The Fort nung Sabado ng gabi.

Nagsasayaw si player kasama ang isang babae nang biglang sumingit daw si bading at akma pang hihipuan sa below the belt si player. Mabuti’t mabilis ang kamay ni player at sumigaw siya ng, "Fu..k you, what do you think are you doing. Keep off me., fuc.. you"!

Yun lang at natapos na ang eksena.

Kung hindi naagapan, nakasaksi na naman tayo ng isang eskandalo sa The Fort.
* * *
Dati raw best of friends ang dalawang gay sponsors na ito.

Good friends as in good friends.

Sometimes they even share basketball players na nagiging "pet" nila.

But not this time.

Recently, nagka-bangayan ang dalawang ito at ngayon ay hindi na sila friends. Enemies na sila.

Siyempre, lalaki ang dahilan.

Siyempre, isang basketball player sa college ang dahilan.

Hulaan n’yo kung sino si player?
* * *
Umalis na ang National team patungo sa Amerika para sa training nila at manonood pa ng NBA.

Si Steve Nash pa ang hinahabol at hindi raw si Kobe Bryant dahil ang style daw ni Nash ang dapat na makuha nila.

Nakakaloka!

As if even if we spend P100 million, one of them can be a Steve Nash!!!

Yan na din bale ang umpisa ng pag-ubos nila ng tinatayang P40 million na inilaan sa kanila ng PBA team owners.

Marami pa silang uubusing milyones, kaya marami pa tayong bibilhin na hotdogs, beer, softdrinks, gatas, energy drink, etc etc para mabawi nila yang panggastos sa expensive training nila abroad.

Kailangan daw nila ang ganyang ka-garbong training para kuno makarating sa Olympics.

O para talunin kuno muna ang China.

At oo nga naman, may pa-donate-donate pa sila ng P200,000 para sa grassroots program galing sa allowance nila mula sa PSC.

O kita nyo’t bigla pa silang naging hero!

Magaling!

Palakpakan natin!

Baon na nga naman nila eh ipinamigay pa sa grassroots program.

O baka ‘di n’yo alam na yang P200,000 na yan eh sisiw na sisiw sa naka-budget sa kanilang P40 million?

Ano bang epekto nga naman sa kanila nyan kung ipamigay man nila ang P200,000 PSC allowance na yan sa "kawanggawa"?

Bakit nga ba hindi na lang nila ipamigay yan, bayani pa sila.

Kuno!

Good idea. Great idea. Fantastic move.

Akala lang nila. Ha ha ha!

vuukle comment

AMERIKA

KOBE BRYANT

NILA

SI STEVE NASH

SIYEMPRE

STEVE NASH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with