^

PSN Palaro

Ginebra, Air21 maghahabol

-
Hawak na ngayon ng defending champion Red Bull ang liderato ngunit tangka ng Barangay Ginebra at Air21 na habulin ang Bulls sa paki-kipagharap sa magkahi-walay na kalaban sa pag-usad ng aksiyon ng Talk N Text PBA Fiesta Con-ference sa Araneta Coli-seum.

Mainit na mainit nga-yon ang Gin Kings na galing sa apat na sunod na panalo na pagmumu-lan ng kanilang ‘drive’ para saluhan ang Red Bull sa liderato.

Hangad ang ikalimang sunod na panalo, sasagu-pain ng Ginebra ang Talk N Text sa tampok na laba-nan sa alas-7:20 ng gabi.

Mauuna rito ay ang pakikipagsagupa ng Express kontra sa Wel-coat Paints sa alas-4:35 ng hapon bilang pampa-gana.

Naagaw ng Bulls ang liderato sa matagal na leader ng torneo na Air21 sa pamamagitan ng 107-101 panalo kamakalawa.

Umangat ang Bulls sa 5-1 kartada habang bumagsak ang Express sa 4-1 record kung saan kasalukuyan nilang kasalo ang Gin Kings at walang larong Alaska.

Sisikapin naman ng Welcoat na makabangon mula sa tatlong sunod na panalo upang makaahon sa ilalim ng team stand-ings kung saan isa pa lamang ang kanilang panalo sa limang laro.

Galing din sa kabiguan kontra sa Purefoods ang Talk N Text na may 2-3 win-loss slate.

Naglalaban pa ang Sta. Lucia (1-3) at San Miguel (0-5) sa Muntin-lupa City habang sinusulat ang balitang ito.

Samantala, ihahatid sa huling hantungan si dating Philippine Basketball Association (PBA) com-missioner Jun Bernardino bukas ng umaga.

Magkakaroon muna ng necrological mass sa Magallanes Parish sa Main Altar-Bahay Kubo sa alas-8:00 ng umaga.

Magkakaroon din ng funeral mass sa Magal-lanes Parish sa Sabado sa ganap na alas-8 ng umaga bago tuluyang ilibing ang pinakamatagal na tagapangalaga ng PBA na tumagal ng siyam na taon mula 1994 hanggang 2003 sa Heritage Memo-rial Garden sa Fort Boni-facio sa Taguig.

Magkakaroon ng 9th day Novena mass sa Linggo ngunit wala pang inihahayag na venue. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLI

BARANGAY GINEBRA

FIESTA CON

FORT BONI

GIN KINGS

MAGKAKAROON

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with