^

PSN Palaro

PBA ba sa SEABA?

GAME NA! - Bill Velasco -
Pormal na hinirang si Chot Reyes bilang head coach ng Philippine basketball team. Ngayon, lahat ay nagtatanong kung sinu-sino nga ba ang dapat piliin para sa Pambansang koponan.

Subalit may mas malalim na katanungan: dapat nga ba tayong maglaro sa SEABA? Ano ba ang maitutulong nito sa pagsulong ng team?

Kung maging makatotohanan tayo, kahit di-kalakasang college team ang ipadala natin sa SEABA, kaya nating manalo. Kahit ba Thailand ang makaharap sa finals, mahihirapan silang talunin tayo. Baka mas maging problema kung makalaban natin ang Indonesia, dahil si Boyzie Zamar ang coach nito, o kaya ang Singapore na may mga naturalizaed chinese daw.

Makakatulong ba kung magpapadala tayo ng PBA players at lampasuhin lang nila ang kalaban? oo nga;t kailangan nating pumasok sa FIBA-Asia, at kailangang makatapos tayo ng di bababa sa pangalawa sa SEABA upang magawa iyon, pero di kaya sobra-sobra naman kung pro ang ipadadala natin?

Itinatanong ko lamang ito dahil baka mas lalakas ang team natin kung kakalabanin na lamang ang Korea o Taiwan, o kung may badyet man, mga team sa Europe. Kung magugu-nita natin, nadisgrasya tayo sa Asian Games sa Busan dahil nakasalubong natin ang mga batang Koreano’t pinahirapan talaga ang mga beterano natin.

Maganda ngang tingnan na sasagasaan natin ang mga karibal sa Southeast Asia, pero unang hakbang pa lamang ito. Hindi naman natin mamaliitin ang SEABA, pero hindi naman talaga mahihirapan ang PBA All-Stars natin doon. At ang habol naman natin ay maging isa sa dalawang pinakama-lakas na koponan sa Asya.

Ilang ulit nang nasabing ito ang pinakamagandang pagka-kataon natin para makapasok sa Olympics, dahil pasok na ang China at di na dadaan sa qualifying tournament bilang punong-abala ng Olympic Games sa 2008. At kung iyon ang pakay natin, mas mainam na , ngayon pa lamang pahirapan na natin ang mga players natin, para hindi rin sila mabigla sa mga darating na laban. Paano kung maging mani lang ang SEABA, tapos magulat tayo sa lakas ng mga kalaban sa Japan? Wala nang bawian. Di na mauulit ang pagkakataon.

Sa ganang akin, mas mabuti pang dagdagan natn ang mga tune-up games sa mas mabibigat na bansa bago tayo magtungo sa Japan. Mabuti nang nag-iingat. Kahit pag-aralan natin ang mga makakalaban natin doon, baka magbago ng lineup magkaroon tayo ng injury o may iba pang di-inaasahang pangyayari.

Mabuti nang sagarin natin ang pagbatak sa mga players natin.
* * *
Abangan- The Basketball Show, alas-3 ng hapon sa Basketball TV.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BASKETBALL SHOW

BOYZIE ZAMAR

CHOT REYES

KUNG

NATIN

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with