Kakalas sa 4-way tie

Sama-sama sa 6-4 record ang mga bigating koponan na kinabibila-ngan ng defending champion na Pure-foods Chunkee, San Miguel Beer, Red Bull at Barangay Ginebra sa likod ng nangu-ngunang Sta. Lucia Realty na may impre-sibong 8-2 kartada sa kasalukuyang elimina-tions ng Talk N Text PBA Philippine Cup na mag-papatuloy sa Araneta Coliseum.

Ngunit may pagkakataong makakalas ngayon sa four-way tie ang Chunkee Giants sa pakikipag-harap sa Air21 sa tam-pok na laro sa dakong alas-7:20 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng bagitong Welcoat Paints at Alaska sa alas-4:35 ng hapon.

Ikatlong sunod na panalo ang tangkang tuhugin ng Purefoods ang ikatlong sunod na panalo laban sa Express na mataas ang mo-rale mula sa kanilang malaking tagumpay.

Mapapa-lakas din ng Purefoods ang kani-lang tsan-sa sa target na top-two spot na mabibiyayaan ng awtomatikong semifinal slot.

Ngunit sa unang pag-kikita ng Chunkee Giants at ng Express, nasayang ang 29-puntos na kalama-ngan ng Purefoods at naging gitgitan sa end-game bago nila naitakas ang 103-101 panalo nang sumablay si rookie Arwind Santos sa kanyang pam-panalong tres. Ito ang unang panalo ng Pure-foods na nagsimula sa dalawang sunod na talo.

Sa unang laro, hangad namang makakalas ng Dragons sa 3-7 karta kung saan katabla nila ang Coca-Cola, sa paki-kipagharap sa kulelat na Aces na dalawa pa la-mang ang pa-nalo sa siyam na laro. (MB)

Show comments