^

PSN Palaro

Villanueva, Fronda kampeon sa Shell National Youth

-
Humakot ng apat na sunod na panalo si Vic Neil Villanueva noong Linggo upang makumpleto ang sweep sa junior division habang naungusan naman ni Jude Fronda ang dalawa pa sa tiebreak upang maghari sa kiddies class ng 2006 Shell National Youth Active Chess Championships-National Capital Region leg sa SM City Manila.

Tinalo ni Villanueva ng UST si Jayveelyn Fronda sa ikaapat na round bago biniktima si Luke Farre, Teorwin Talapian at Junar Valeros upang maitala ang natatanging perfect score matapos ang pitong round sa 20-and-under category.

Nagbulsa si Villanueva ng P5,000 sa tagumpay na ito at hatakin ang dalawa pa sa grand finals ng taunang event na hatid ng Pilipinas Shell sa October sa SM North Edsa.

Sa kabilang dako, nakipagdraw si Fronda kay Hari-das Pascua sa final round at talunin din sa huli kasama si Loren Laceste para sa tie-break upang makopo naman ang korona sa kiddies na may 6.5 puntos at halagang P4,000. Umusad din ito sa grand finals kasama sina Pascua at Laceste na nanaig kina Nigel Gialan para sa ikatlong round.

Ang iba pang awardees ay sina Christy Bernales ng UE, overall top female player at four-year-old Carlos Adamos ng Baby’s Breath Day Care, ang pinakabatang partisipante sa 504-player field.

vuukle comment

BREATH DAY CARE

CARLOS ADAMOS

CHRISTY BERNALES

CITY MANILA

JAYVEELYN FRONDA

JUDE FRONDA

JUNAR VALEROS

LOREN LACESTE

LUKE FARRE

NIGEL GIALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with