RP belles taob sa Chinese

Tuluyan nang kinumpleto ng China ang kanilang misyon sa Pilipinas. 

Itinala ng China ang kanilang six-game sweep matapos gibain ang Philippine Team via straight sets, 25-11; 25-14; 25-17, para mapanatili ang kanilang pagrereyna sa 2006 Asian Women’s Club Volleyball Championships kahapon sa Rizal Memorial Coliseum. 

Isinara ng mga Chinese, kumakatawan sa club team na Tianjin Bridgestone, ang kanilang kampanya mula sa 6-0 rekord, habang nalasap naman ng mga Filipina ang kanilang pang apat na dikit na kamalasan matapos magposte ng panalo laban sa mga Indonesians. (Russell Cadayona)

Show comments